Katulad ng Unang Beses

Katulad ng unang beses kitang minahal,
at katulad ng unang beses kitang minahal matapos na hindi.
Katulad ng unang paghawak ko ng iyong kamay,
at ng unang pagyakap nang walang pagbitiw.
Katulad ng mga unang pag-uusap tungkol sa payong at ulan,
o ng unang tulang naisulat ko para sa iyo.
At katulad ng unang beses kitang nasilayan,
Ganoon kita minamahal ngayon.

(Postscript: Kakagaling ko lang sa isang mahabang “diskusyon” kagabi. Kinaumagahan, habang hinihintay ko ang service van sa condo ni Direk papuntang shooting sa Pampanga nang bandang alas-4 ng madaling araw, napangiti na lang ako. Nilabas ang notebook at nagsulat lang, dahil ganyan ang nararamdaman ko. Dumating ang service ng 5am. Sumakay na ako sa van, at sa kabila ng lubak at pagharurot ni Kuya Yen, natapos ko ang tula. Parang katulad din ng unang beses akong nakasulat ng tula. Pero hindi na untitled ang pamagat. Van to Pampanga. 11.12.2007.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: