Posted by: ilayaonline | January 27, 2008

Love is the drug, and this too

I REALIZED that in 2007, I got so caught up with work (and all the drama that goes with it),  (non-work-related) drama, and “when was the last time you did something for the first time?” that I forgot to do that something that used to give me that cheap unexplainable high.

I did not make any short films in 2007. And just thinking about it frustrates me.

So tonight, I dare vow: I will make at least one short film every year. Pangit man o hindi.

Peksman. Hindi man ako maging studio contestant sa Wheel of Fortune.#

Advertisements
Posted by: ilayaonline | January 20, 2008

Da 2007 Year-End Report sa January

BAKA MAGTAMPO sakin si Year 2007 at itsismis sa mga kapwa-Taon niyang hindi ako marunong lumingon sa pinanggalingan. Tsk, ka-bertdey ko pa naman si Year of the Rat. (Dapat manigurado; baka may mga Taon ding palang showbiz at mapagpaniwala sa tsismis.) 

Year 2007, ikaw ang aking taon.

Ito ang taong napunta ako sa mundo ng pelikula via pagiging script con ni Direk Joyce Bernal sa Paano Kita Iibigin ng Star Cinema. Nakasalamuha si Piolo “Sir Piolo” Pascual, si Regine “Ms. Reg” Velasquez, si Eugene “Ms. Uge” Domingo, si Quintin Alianza, si Jett Pangan, si Ayrin, si Bb. Joyce Bernal. Napunta sa Zambales. Napa-San Mig Light habang nasa dalampasigan at nakatingala sa first star I see tonight. Natuto. Natutong tumayo para sa sarili. Mag-enjoy lang. Magkamali, mag-sorry, at ngumiti uli–dahil trabaho lang ito. Magpuyat sa Roadrunner. Mag-dub ng boses ng babaeng extrang kausap ni Regine. Maka-attend ng Premiere Night nang hindi naka-pang-Premiere Night. Makita ang pangalan sa CBB ng pelikula. Sa Cinema 10 ng Megamall. Masabi sa sariling: buti na lang ito ang pinili kong gawin (kesa…);

Ito ang taong muntik na akong maging regular employee sa isang photo company sa isang sossy na mall sa Ortigas. Tipong may time card, may work shifting, may dress code, may “Hi I’m Blah-Blah, Welcome!, Good morning, How may I help you?” na nakangiting dapat hindi halatang nangangawit. Bago pa man nakasagot ang customer, natauhan na ako. Sinuot uli ang tsinelas ko at ngumiting natural. Hindi nangawit;

singaporeIto ang taong nagpunta ako ng Singapore (para sa Asian Film Symposium); sa Zambales (para sa trabahong pelikula at TV); sa Baguio (para uminom ng Tsokolate-E sa Cafe by the Ruins habang hinahanap ang sarili); sa Bohol (para mapa-Wow Philippines sa mala-polvoron na buhangin sa dagat, kasama si Tarsier); sa Cebu (para masabing ay, parang Maynila lang). Sa Capones Island sa Zambales, sa Casa San Pablo sa Laguna. Sa casino, sa Music21;

Ito ang taong umalis si Mace papuntang Canada. For good. At sa tuwing may maganda o may masakit na nangyayari sakin, lalo ko siyang namimiss;

video prod classIto ang taong natupad ang isa sa mga wish ko kay first star I see tonight: maging guro ng Basic Video Production sa aking hayskul. Excited sa umpisa. Nag-research. Nakita ang potential sa mga estudyante. May mga bibo. At natural na magaling. At madaldal. At hindi nakikinig. At nagtetext habang nakatingin nang tuwid sayo. Naging favorite day of the week ang Wednesday. Nawala ang nakitang potential. Nawalan ng gana. Ng drive. Naging hatest day of the week ang Wednesday. Ayaw nang magturo. Gumawa ng short film ang klase. Horror. Gumawa ng fake blood. Na turo ko. Sila ang nag-direk. Nag-production design. Nagsulat ng script. Nag-edit. Ipinalabas sa Pere Chauvet Hall. Pinalakpakan. Nagtawanan. Naghiyawan. Proud. At gusto kong maging guro uli;

Ito ang taon para sa mga short films ko. Sa pagkilala sa Gawad CCP, sa International Women’s Film Festival, sa Asian Film Symposium sa Singapore, sa Bite the Mango sa UK, sa City of Women sa Slovenia. Sa Rogue Magazine. Ni ser Alexis Tioseco. Ng Mogwai Film Festival sa Cubao X. (Sayang, hindi ako nakapasok sa CinemaOne Originals at Berlinale. Haaaaaay. Then move on.);

Ito ang taong nag-bidyoke kami ni Direk Joyce at Ayrin sa Music21. Katatapos lang ng Paano Kita Iibigin. Walang trabaho. Walang sweldo. Wala. Sabay kanta ng “I’m young and I’m underpaid”. At ng Aegis. Na may piyok. After one week, may trabaho na uli kami. (Nag-amok ata si Aegis.);

Ito ang taong napadpad ako sa mundo ng TV. Hindi lang basta TV, kundi telenovela. At hindi lang basta telenovela, kundi Marimar. At hindi lang basta Marimar, kundi nakakapanibagong Marimar. Nagulat sa sistemang TV. 40++ sequences per day. 4am calltime. 6am pack-up kinabukasan. Sweldo na per taping day. (Kesa sa pelikulang “isang shooting day, isang tuka”.) Pulitika. Intriga. Mga artistang pa-artista. Beso-beso. Intriga uli. Intriga pa. (Muntik nang) ma-depress. Naiyak sa gabi. Sa banyo. Sa paninibago. Sa sarili. “Ako pa ba ito?” Walang sumagot. Actors in na daw. (Hindi pa sila bihis. Nagme-make up pa lang po.);

Ito ang taong napadpad ako sa mundo ng TV, at natutunang ngumiti na lang–dahil trabaho lang ito. Natutong mag-enjoy. I-enjoy ang taping day kahit puyat. Sa casino sa location. Sa speedboat. Sa Capones Island. Sa mga palayok ni Ugu Bigyan. Sa reggae party. Sa pag-bidyoke hanggang sabihing “last song na po”. Kanta uli. Hanggang sabihing “last song na po” na mas mataray na. Muntik nang malasing. Natutong maging bukas. Makakilala. Mag-ipon. Mag-waldas. At maghintay ng susunod na kinsenas. Makisalamuha. Makibagay. Matuto. Sa kwento nila. Sa kwentong patawa, sa kwentong reklamo, sa kwentong pag-ibig. Sa kwentong buhay. Oo nga–trabaho lang ito, pero buhay pa rin;

Ito ang taon ng mga first time, at ng second time na parang first time na rin. First time mapanood ang APO Hiking Society. Sa wakas. First time sa labas ng Pilipinas. Sa screening ng aking pelikula sa ibang bansa. At ma-appreciate doon. First time sa pelikula, sa TV, sa pagtuturo. Na maging assistant director sa ibang eksena. (“Actors standby! Tape rolling! 5…4…3…2… Kuyaaa, bakit ka dumaaaaaaaaan, mag-aaction naaaaaaaa?!? Relax.” Na maging camerawoman sa isang eksena (dahil tulog pa ang mga tunay). Na magsulat ng mga eksena. Ng mga linya ni Pulgoso, ni Sergio at Marimar;

Ito ang taong nagkaroon ng mga bagong kaibigan (na hindi lang basta beso-beso level), at nagpakilala muli sa dati nang muntik nang malimutan. Napangiti. Nasiyahan. Nasaktan. Naiyak. Nagalit. Naging bitter. Nakagawa ng mga tula. Ng mga eksena sa pelikula. Nairaos. Nagliwanag. Lumiwanag. At ngayon? Masaya. At natatawa. Natutuwa.

Ikaw ang aking taon, 2007.

P.S. I-tsismis mo sa bisor mo: Tumatanggap pa rin ako ng swerte kahit Year of the Rat.#

1. Normal ang tatlo hanggang apat oras lang na tulog. (Ang isang oras pa dun ay ang total ng mga pakonti-konting idlip habang dinner break o may kinukunang eksena. Ang ibig sabihin ng idlip ay: pumwesto sa may pader, pumikit, bumilang ng isa hanggang 100, tapos hindi ka pa nakakaabot sa eighty-sev–oras na para dumilat.) Kapag umabot ka ng limang oras na tulog, ibig sabihin, ikaw ay: pumwesto sa may pader, pumikit, bumilang ng isa hanggang 100, tapos nasa 320++ na ay hindi ka pa rin gising. Mandurugas.

2. Hectic ang iyong sked, pero hindi ka naman artista (hindi para sa ribbon-cutting, sa premiere night, o sa charitable event): mag-revise ng script; magpa-basa ng dialogues sa mga artista; magpa-memorize ng dialogues sa mga artista; gumanap bilang boses ni Pulgoso with feelings please; gumanap bilang Marimar sa blocking ng eksena; sumigaw ng “make-up sa set!!!” (yung tipong aalingawngaw); i-note (i-drowing pa kamo) ang continuity ng mga damit, ng set design, ng mga sugat ng character, ng mga pasa ng character, at ng blocking ng mga character; i-check ang nai-note na continuity sa bawat eksena; mag-panic kapag mali ang continuity; maging alert habang kinukunan ang eksena kapag biglang nakalimutan ng artista ang kanyang linya; etc. (Ang etc ay mahiwaga. Pinsang buo siya ni MTM sa mga autograph notebooks nung gradeshool.)

3. Normal ang pag-trabaho ng 24 hours straight, pero hindi ka naman 7-eleven (at walang overtime pay. Noted).

4. Ang mundo ng showbiz ay showbiz talaga. Intriga here, intriga there. Isnaban here, isnaban there. Beso here, beso there. Kulang na lang e lumabas si Kuya Boy mula sa kung saan sabay sigaw ng “eksklusibo” at “susunoooood”. Er, kuya Boy, ano pong ginagawa niyo dito? GMA po ito. Mag-tricycle po kayo, malapit lang ang ABS.

5. Sadly, nangyayari talaga: na may mga demands ang mga artista na hindi mo laging maibibigay, at moods na dapat matiis mong hindi mapatulan. Haaaay, PA lang po ako. Hindi po ako si Genie o si Patience. At kung ako man, tapos na po ang three wishes nyo, 4th taping day pa lang. I’m not Anna Dizon. I’m not GRO.

6. Mga ka-trabahong mahirap ka-trabaho. (Sa lahat naman yata ng trabaho ay may at least isang ganyan. Naulanan siguro kaya dumami.) I-revise natin: Mga ka-trabahong  mahirap ka-trabaho lalung-lalo na kapag alas-dos na ng madaling araw at wala ka nang natitirang patience o energy para i-pray over na lang sila.

7. Napaka-posible na ang trabaho na ang maging buhay mo: “Congats! Ratings: 45% Marimar, 35% Kamandag, etc”; “Ano?! Binomba ang Glorietta?!”, “Ano?! Binomba ang Batasan?!”, “Ano?! Binomba ang Manila Pen?!”–ay, mali pa ang balitang nasagap; “Hindi ako pwede bukas e. May taping ako :c Pwede bang sa Wednesday na lang yung dinner? Hindi pwede? Ah kumpleto kayo nun?”.

8. Eyebags. (Konti na lang, maleta na.)

9. Mediocrity, at ang paglunok sa mediocrity. (Na parang ampalaya o banana cake–kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang lasa.) 

10. Transition. Pagbabago. Pagtanggap sa pagbabago. Mula sa mundo ng pelikula na soulmate ko (na kahit hindi perpekto ay hindi ko magawang pagsalitaan dahil mahal na mahal ko) papunta sa mundo ng TV (na ibang-ibang-ibang-iba). (Nakaka-miss. Nakaka-miss.)

11. Paghalu-haluin iyan lahat, at ang dulo: muntik nang depression.

Pero ang keyword sa title ay “noon”. All caps, naka-italicize, naka-bold, naka-underline, Times New Roman 72. With smiley.#

GUSTO KONG patunayan sa sarili ko na may buhay naman ako sa labas ng Marimar. Na kahit puyat at pagod ako bilang script continuity-cum-PA (production assistant) tuwing MTTh, kapag Sa at Su, isa akong normal na taong marunong pa rin mag-enjoy at kilala pa rin ang Paramita at Radioactive Sago Project. Kahit may eyebags man at may calltime na 4:30am kinabukasan.

At napatunayan kong buhay nga ako.

Lalo nung nagsalita si Gang Badoy (ng RockEd Philippines), ang pasimuno nitong ikatlong Rock the Riles, o libreng pa-concert sa mga MRT stations para sa Human Rights Day, at pumalakpak ako sa sinabi niyang “hindi masamang hindi sumama sa mga rally”. (Tanungin na lang siya kung bakit; baka mapa-mali pa ang paggamit ko ng quotation marks.) Lalo nung nanghinayang ako nung di ko naabutan ang Sugarfree dahil napatagal ang aming pagkain ng bolognese with free iced tea na lasang duhat. Lalo nung nakaramdam ako ng kababawan ng tuwa nang makarinig uli ako ng malakas na amps, drum beats, at boses ng bokalista (mapa-sigaw man o normal singing voice o pang-ASAP). Lalo nung “kumanta” na ang Radioactive Sago Project ng nakaka-miss na (Gusto Ko Ng) Baboy (Yung Pink, Yung May Ribbon sa Leeg) (circa high school life) na may bahid pa rin ng astig na napapanahong wit ni ser Lourd de Veyra (e.g. “Gusto ko ng baboy/yung pink/yung may ribbon sa leeg/yung may “emo na buhok”).

Salamat sa karapatang mabuhay.

And thank you for the music.#

Posted by: ilayaonline | December 8, 2007

Ilaya’s Wonderful Discovery 001: The 1-second film

(On 08 December 2007, 17:47, Ilaya accidentally discovered the One-Second Film through an interesting “small bright ideas” listing here, then a recent entry with a Youtube link here.)

“THE GOAL of the one-second film is to bring the entire world together, one second at a time, to make a collaborative art that makes a difference.”

Posted by: ilayaonline | December 5, 2007

Finally, they’re back (and so am I)

I OVERHEARD one of my video production students excitedly tell her friend: “Yey, we’re making a horror film!”

For a teacher who lost the drive to teach (I was looking for passion in my students, yun lang. That was my only drive, e wala. Three out of thirteen students lang), that was music to my ears.

That, and “Miss, can I start writing the script now na?”.#

(NAG-TEXT sa’kin si Chard nung isang araw. Binasa daw niya uli ang mga post ko sa ilaya.blogdrive.com, ang kauna-unahan kong blog (circa 2004). Nakaka-miss daw. Pag-uwi ko, binasa ko rin (nainggit). Nakaka-miss nga. Ang pagsusulat ko nang walang coherence dahil papalit-palit ako ng topic. Ang UP, ang pag-sakay ng UP-Pantranco (P8.75) at pagpara sa may tapat ni Oble, o ng UP-Ikot (P6.50) at pagpara sa tapat ng Vanguard sabay takbo sa Maskom kasi late na. Ang panonood ng mga pelikulang tutulugan ko ang kalahati pero gising sa last 30 minutes, at ang hindi na pagtulog dahil sa paggawa ng pelikula. Ang mga problemang sakit sa pagkakaibigan, sakit sa puso, sakit sa acads. Ay, parang ngayon lang din. Iba nga lang ang setting.

Ang hindi raw lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan. Gusto kong pumunta ng Sagada, Great Wall of China at Egypt. Eto ang pinanggalingan ko. Paki-text na lang ako kapag ready na ang sundo ko.)

MINSAN, may mga taong darating sa buhay natin, ngunit lilisan din naman agad kapag tapos na ang dahilan ng kanilang pagdating.

Kasasakay ko lang ng UP-Pantranco jeep sa hi-way. Tapos may sumakay na mag-asawa. (Dahil pareho silang naka-orange, itago na lang natin sila sa pangalang “Orange Team.”) Sa dulo sumakay. Sa likod ng drayber.

Abot ako ng bayad. “Bayad ho.”

Kinuha ng Orange Team at ibinigay sa drayber. “Bayad daw.”

Abot ng bayad ang katabi ko. “Bayad ho.”

Kinuha uli ng Orange team. Binigay sa drayber. “Eto sukli.”

Kinuha ng Orange Team. Binigay sa katabi ko.

At nag-abot na rin ng bayad sa Orange Team ang ibang mga nakasakay. Minsan, may sukli. Edi abot uli ang Orange Team.

Tapos naglabas na ng pera ang Orange Team. Sila naman. “Ma, bayad ho. Dalawang Census.”

Ay, ay, ay.

“Ay, UP ho ito. Sa kabilang jeep ho ang Census.”

Uulitin ko. Ay, ay, ay. At lumisan na ang Orange Team.

Paglisan ng Orange Team, isa lang ang naisip ko: Buti na lang nakapag-abot na ako ng bayad ko bago pa sila umalis.

Paalam Orange Team. Mami-miss ko kayo.                                                    

HINDI NAKAKAPANOOD si Glenn ng Pinoy Big Brother kasi wala siyang TV sa kanyang boarding house.

“Ay sayang, feeling ko may magugustuhan ka pa naman dun,” sabi ko. “Sexy. Malaki boobs. Malaki pwet.”

Walang reaksyon. Nakikinig lang.

“Si Cass. Nag-pose na daw yun for FHM eh.”

Ting! (Magic word: FHM.)

“SI CASSANDRA PONTI???”                                                            

                 “ATE, MERON po ba kayo nung March of the Penguins?”
                
                 “A oo, meron.” Kinalabit ang lalaking assistant. “Boy, pakikuha naman 
                  yung
 DVD nung may mga pating.”
                                                       
KAKAPANOOD ko lang ng March of the Penguins ni Luc Jacquet. Isa itong documentary tungkol sa mating rituals ng mga penguin na nagsisismula sa isang mahabang prusisyon papuntang Antractican tundra tuwing Marso para humanap ng kanilang mate. Kaya ganun ang title.

Iyan ang muli kong pagbili ng pirated DVD (imbes na manghiram). At sulit na sulit na sulit.

Sa totoo lang, isa siyang astig na love story na tungkol din sa family. Penguin nga lang ang bida. At si Morgan “God, is that You speaking?” Freeman ang narrator. (Sa puntong ito, tinamad na akong magkwento pa. Panoorin nyo na lang.)

Ang masasabi ko lang, may posibilidad na si Glenn ay isang lalaking penguin sa past life nya. (Yan, bumawi na ako a.) Manalig ka, compliment yan. Kinda.#
                                                           
Originally posted at ilaya.blogdrive.com at 20:34, Saturday, Sept 17 2005. Read full original post here.

Posted by: ilayaonline | November 30, 2007

Ako’y Kunwaring Tutula Flash Report No.1

Mga BAGONG TULA (at mga kwento sa likod nila) uploaded sa Mga Tulang Ilaya page: iyo lang ako., Lazaro, Katulad ng Unang Beses.

FLASH REPORT: Noong  Biyernes, nakakuha ang Marimar ng 49.5% audience share, ang pinakamataas na rating sa primetime sa ngayon at pinakamataas na personal rating nito simula nang umere nung Agosto.

Kwento ni Direk Joyce, sabi daw ni Eugene Domingo (na parte naman ng Kokey) sa kanila ni (Assistant) Direk Ayrin nung huling magkita sila: “49.5 nga ang rating ninyo, pero mukha naman kayong mga 49.5 years old.” Hahahaha. Sabay, “So kami, mukha kaming mga 22. O kaya minsan, 19..”

Ay, parang gusto kong i-try magmukhang 20 uli. (Tutal wala namang epekto sa sweldo at working hours ang ratings.)

Bwiset kayo numbers. Ngayon lang kayo nagka-epektong muli sa buhay ko. Akala ko natakasan ko na kayo nung high school Trigo.

Muling buhayin ang bangkay.#

Posted by: ilayaonline | November 21, 2007

Random screenplay dialogues in my mind File Nos. 0003

(Si JEN, 27, ay babaeng bitter, sarcastic, at galit sa mundo. (Sikreto muna kung bakit.) Si MARLA, 26, ay gusto nang pumatay ng babaeng bitter, sarcastic at galit sa mundo, pwera kung best friend. Buhay pa si JEN.)

34 EXT COFFEE SHOP – DAY

                        JEN
                        Parang nagmi-midlife crisis na ata ako a.

                        MARLA
                        Midlife crisis? Uh, mare, 27 ka pa lang.

                        JEN
                        I know. E sa lagay ng konsumisyon at
                        depression ko sa buhay, malamang
                        patay na’ko by 50.#

« Newer Posts - Older Posts »

Categories