Posted by: ilayaonline | March 2, 2008

The (Older) People vs the Promil Kids*

ANG MGABATA NGA NAMAN ngayon, pa-talino na nang pa-talino. Sabagay, marami na rin kasing naimbentong gatas at food supplements na pampa-child prodigy at pampatangkad. Albert Einstein na, Michael Jordan pa.

Bilang na ang mga araw ng am.

At mas lalong bilang ang mga araw ng mga mommy na akalang nasa kanila ang final say.

* * *   

May nakatabi akong mommy na may makulit na anak sa isang mall. Sinasaway na pero sampa pa rin nang sampa sa gilid ng escalator. Syempre, si Mommy, napagod na sa kakasigaw.

Mommy (sa anak): “I said stop that! How many times did I tell you that already?!”

Tumingin sa kanya ang anak. Napatigil, sabay sabi: “Three.”

Tsk, mommy, nagtanong ka pa kasi e. At least, alam mong magaling siya sa Math.

* * *

Pinapanood ni Mama ang kapitbahay naming si RueAnn, 4, ng X-Men  3: The Last Stand. Dahil para sa reserved seating na sinehan ang ticket na binili nila, dapat nasa oras ang pagdating. Kapag late, pasensya na lang.

Eh late sila.

Bago pumasok si Mama at RueAnn sa sinehan, pinaalala ng tiketera sa kanila, “Bawal na po ulitin ha.” At nanood na nga sila ng sine—kahit hindi napanood mula umpisa.

Pagka-uwi ni RueAnn sa bahay nila, inaya siya ng kanyang mommy: “Anak, nood naman tayo ng Xmen 3.”

Nag-iba ang mukha ni RueAnn, biglang sagot: “Sabi ng gwardiya, bawal daw po ulitin!”

Hayaan mo na, mommy. At least, alam mong masunurin siya.

* * *

Dahil telegenic naman, kinuha ko si RueAnn bilang artista para sa aking short film. Ang gagampanan niya, isang batang nakikipaglaro ng chess, at naiinis na siya dahil ang tagal tumira ng kalaban niya. Ang kalaban niya, si Katya. Si Katya ay kanyang stuffed toy.

“Your move na!” Yan ang unang linya ni RueAnn, na matiwasay naman niyang nasabi. Ang susunod namang linya (nang makitang ayaw pa rin tumira ni Katya): “Alam mo ba ang ibig sabihin ng “your move”??” Hindi na matiwasay. Hindi niya agad masaulo dahil ang bilis daw ng pagkasabi ko. Edi bagalan.

“Sige RueAnn ha, sasabihin ko, tas ulitin mo,” sabi ko. “Alam mo ba…”

Sumunod naman. Masunurin nga. RueAnn: “Alam mo ba…”

“…ang ibig sabihin…”

“…ang ibig sabihin…”

“…ng ‘your move’?”

“…ng ‘your move’?”

“Ayan RueAnn, bilisan naman natin,” sabi ko, optimistic. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng ‘your move’?”

“Hinde.”

Breathe in, breathe out. Four years old lang yan. Beinte dos ka na.

* * *

Siguro nga, habang tumatagal, hindi na kailangang hintayin ng mga batang tumanda bago maging isang wais na Lumen (o Lando). 

Tsk, bilang na rin siguro ang mga araw ng Tide.

Ang bilis nang makasabay ng mga bata sa ikot ng mundo ngayon. Ngayon pa, kung kailan wala nang tulong mula kina Pong Pagong at Kiko Matsing (o ni Big Bird at Kermit the Frog). Napaisip tuloy ako: tumatalino nga ba ang mga tsikiting, o sadyang bumababaw lang talaga ang mundo? ##

*Originally posted on September 10, 2006 here.


Responses

  1. hindi naman siguro bumababaw ang mundo, nagiging mas masalimuot pa nga. magaling lang sumabay ang mga bata, sa mas matalinong atake. apir.

  2. apir!

  3. lunabertigo.wordpress.com pala. mali ang pinagkakalat ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: