Posted by: ilayaonline | December 13, 2007

Kung Bakit Nakakalungkot/Nakakainis/Nakakatamad Magtrabaho sa Marimar Noon

1. Normal ang tatlo hanggang apat oras lang na tulog. (Ang isang oras pa dun ay ang total ng mga pakonti-konting idlip habang dinner break o may kinukunang eksena. Ang ibig sabihin ng idlip ay: pumwesto sa may pader, pumikit, bumilang ng isa hanggang 100, tapos hindi ka pa nakakaabot sa eighty-sev–oras na para dumilat.) Kapag umabot ka ng limang oras na tulog, ibig sabihin, ikaw ay: pumwesto sa may pader, pumikit, bumilang ng isa hanggang 100, tapos nasa 320++ na ay hindi ka pa rin gising. Mandurugas.

2. Hectic ang iyong sked, pero hindi ka naman artista (hindi para sa ribbon-cutting, sa premiere night, o sa charitable event): mag-revise ng script; magpa-basa ng dialogues sa mga artista; magpa-memorize ng dialogues sa mga artista; gumanap bilang boses ni Pulgoso with feelings please; gumanap bilang Marimar sa blocking ng eksena; sumigaw ng “make-up sa set!!!” (yung tipong aalingawngaw); i-note (i-drowing pa kamo) ang continuity ng mga damit, ng set design, ng mga sugat ng character, ng mga pasa ng character, at ng blocking ng mga character; i-check ang nai-note na continuity sa bawat eksena; mag-panic kapag mali ang continuity; maging alert habang kinukunan ang eksena kapag biglang nakalimutan ng artista ang kanyang linya; etc. (Ang etc ay mahiwaga. Pinsang buo siya ni MTM sa mga autograph notebooks nung gradeshool.)

3. Normal ang pag-trabaho ng 24 hours straight, pero hindi ka naman 7-eleven (at walang overtime pay. Noted).

4. Ang mundo ng showbiz ay showbiz talaga. Intriga here, intriga there. Isnaban here, isnaban there. Beso here, beso there. Kulang na lang e lumabas si Kuya Boy mula sa kung saan sabay sigaw ng “eksklusibo” at “susunoooood”. Er, kuya Boy, ano pong ginagawa niyo dito? GMA po ito. Mag-tricycle po kayo, malapit lang ang ABS.

5. Sadly, nangyayari talaga: na may mga demands ang mga artista na hindi mo laging maibibigay, at moods na dapat matiis mong hindi mapatulan. Haaaay, PA lang po ako. Hindi po ako si Genie o si Patience. At kung ako man, tapos na po ang three wishes nyo, 4th taping day pa lang. I’m not Anna Dizon. I’m not GRO.

6. Mga ka-trabahong mahirap ka-trabaho. (Sa lahat naman yata ng trabaho ay may at least isang ganyan. Naulanan siguro kaya dumami.) I-revise natin: Mga ka-trabahong  mahirap ka-trabaho lalung-lalo na kapag alas-dos na ng madaling araw at wala ka nang natitirang patience o energy para i-pray over na lang sila.

7. Napaka-posible na ang trabaho na ang maging buhay mo: “Congats! Ratings: 45% Marimar, 35% Kamandag, etc”; “Ano?! Binomba ang Glorietta?!”, “Ano?! Binomba ang Batasan?!”, “Ano?! Binomba ang Manila Pen?!”–ay, mali pa ang balitang nasagap; “Hindi ako pwede bukas e. May taping ako :c Pwede bang sa Wednesday na lang yung dinner? Hindi pwede? Ah kumpleto kayo nun?”.

8. Eyebags. (Konti na lang, maleta na.)

9. Mediocrity, at ang paglunok sa mediocrity. (Na parang ampalaya o banana cake–kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang lasa.) 

10. Transition. Pagbabago. Pagtanggap sa pagbabago. Mula sa mundo ng pelikula na soulmate ko (na kahit hindi perpekto ay hindi ko magawang pagsalitaan dahil mahal na mahal ko) papunta sa mundo ng TV (na ibang-ibang-ibang-iba). (Nakaka-miss. Nakaka-miss.)

11. Paghalu-haluin iyan lahat, at ang dulo: muntik nang depression.

Pero ang keyword sa title ay “noon”. All caps, naka-italicize, naka-bold, naka-underline, Times New Roman 72. With smiley.#


Responses

  1. Abangan ang susunod kong post: Kung Bakit Hindi na Nakakalungkot/Nakakainis/Nakakatamad Magtrabaho sa Marimar Ngayon

  2. waah, umalis ka na?? lipat ka na sa maging sino ka man! hehe. astig ng post na to. natawa ako nang marami. at natamaan din. hehe. sori kung di ako nakapunta nung mtv summit a, pasensya talaga.

  3. Hindi ako umalis!!! Marimar na marimar pa rin! haha

  4. HAHAHA. Musta naman si Marimar?

  5. aaah. haha tanga lang. iba yung pagkaintindi ko (ayus na ngaun hehe)

  6. oh well…

    haha, bilang lagi tayong magkasama, wala akong masabe.

  7. “mediocrity at paglunok sa mediocrity” —– waaaaaah!!!!

    P.S. tapos na ang marimar? i’m so out of it.

  8. yoshke: tse.

    marcromyjos: sagot sa P.S.: ay hindi pa tapos. na-extend kami. hanggang feb pa. tapos buhay-freelancer na uli, aka “isang raket, isang tuka”.

  9. malamang tumaas ang sweldo mo stays. o napromote ka na.

    kaya hindi na nakakalungkot/nakakainis/nakakatamad magtrabaho sa marimar ngyaon.

  10. ay walang pagtaas ng sweldo o pagka-promote. hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: