Posted by: ilayaonline | November 2, 2007

Ilaya Goes to Manilyn@25 Concert: Ebribadi now, “Sayang na Sayang lang ang pag-ibig ko / Laan pa naman ang puso ko sa’yo…”

TWENTY-FIVE years na pala si Manilyn Reynes sa showbiz. Parang kailan lang e napapanood ko siya sa That’s Entertainment na sinasabitan ng mga sampaguita habang kumakanta hanggang sa hindi na siya makahinga sa dami, o sa pelikulang Feel na Feel katambal si Ogie Alcasid (sa sinehang Mariposa nung di pa siya pugad ng mga paru-parong bukid), o bilang probinsiyanang tinatakot sa Shake, Rattle and Roll.

Ngayon, wala nang That’s at may pagka-sagrado at pagtitipid na ang tingin sa sampaguita (mahal na ang bilihin. Si Sto. Nino na lang ang lucky recipient), si Regine Velasquez na ang katambal ni Ogie, at ang Shake, Rattle and Roll ay nagbabadyang aabot sa ika-25 na installment kundi maagapan ng mga mamamatay-aswang at tiyanak. (Baka kailangan na ng tulong mula kay Enteng Kabisote.)

At paano nga naman ise-celebrate ang 25 years sa showbiz kung Walang Tulugan na lang ang show ni Kuya Germs? Edi mag-concert sa Aliw Theater.

Binigyan niya kami ng complimentary tickets bilang puyat at butihing staff ng Marimar. At doon nagsimula ang “time and space warp, ngayon din”. At si Manilyn ay naging si Annie.

Annie Batungbakal na taga-frisco.

Lumabas isa-isa sina Ogie Alcasid, Keempee de Leon at Janno Gibbs. (Nasa audience pa si Sheryl Cruz at Ana Roces.) Kulang na lang e mga sampaguita, mga malalaking banners na “Magnetic Manilyn” at “Friends of Manilyn” at ang Daz Commercial ni Kuya Germs, at mauuto na akong nasa That’s na nga ako.

Parang isang malaking bidyoke lang ang concert na dahil hindi napuno, okey lang na itodo ang pagkanta ng “Sayang na sayang lang/ang pag-ibig ko/laan pa naman ang puso ko sa’yo/naaalala ka/tuwing nag-iisa/sa pangarap ko’y kasama kita”.

At para sa paborito kong parte ng concert: In the era and the tradition of “Paalam Na” and “Sana Kahit Minsan”, sabay-sabay tayo: “Ikaw ang mahal ko/ikaw pa rin sinta/bakit ba iniwan mo na lang akong nag-iisa?/Ikaw pa rin ang iibigin/magbalik na sana/Asahan mong di magbabago sa’yo/damdamin ko.”

Hay, 1980’s, ang sarap mong balikan. Lalo na’t paglabas namin ng Aliw Theater, 2007 na uli. Bawal na ang sampaguita sa ASAP at SOP. Zaido na si Shaider. At pustahan tayo, may Shake, Rattle and Roll na naman sa MMFF. Sayang, wala na dun si Manilyn Reynes.#


Responses

  1. WAH! Ba’t di ko alam to!

    mawawala ba ang shake sa mmff… duh. haha.

  2. ay oo nga, wala masyadong publicity. kung hindi nga ako binigyan ng ticket e hindi ko malalaman to e.

  3. waw. happy. haha. dapat ag 80’s outfit ka nung pumunta ka. hehe

  4. nakita ko yung ad sa qtv ata. ok ebribadi sing, feel na feel ko, walang biro, ugh, type kita ba yun? a basta. yun na yun.

  5. oh yeah: feel na feel ko, ang pagsuyo, mahal kita… (yun ata yung first line). Opening number nya daw yun, with lifting. (Na-late kami e, inuna ang kwentuhan sa Tripical Hut.)

  6. “feel na feel ko.. walang biro.. mahal ko siya..”

    hay manilyn! naka-kiss ka ba?

  7. or.. “mahal kita..”? ay di ko maalala basta one of those.

  8. “mahal kita” ata. basta may “mahal” hehe.

  9. haha. happy lang.

  10. Daz ba yun or CY Gabriel Wonder Soap? sabon ng mga artista! lol =P Baka nasa shake pa rin si Mane, naka costume lang =P

  11. parang may CY nga hahahaha. ang lumaaaaaaa.

  12. hey grabe ang galing ng concert i like manilyn reynes im sure flop yang shake 9 kc wala c manilyn aminin na natin sya lang ang pinapanood sa lhat ng sequel ng shake!!!! shake it baby!!! shake it honey!!! shake it shake it!!!

  13. andun ka rin? naabutan mo ba yung opening? di namin naabutaaaaaaan. pero bawi naman sa “sayang na sayang” pa lang hehe.🙂

  14. hindi naman flop ung concert!!! d nga lang napuno!!! pero madami din namang tao!!! kung baga e bawi ang puhunanan tubo ng konti cguro!!! but i really like the show!!! sa shake 10 andun din ba sya???or saan movie sya belong this coming mmff??? paki sagot naman po!!!

  15. nako hindi ko pa alam sa ngayon.. hindi ko na kasi siya katrabaho e. hamo, pag malaman ko, update ko dito ha🙂 (may bago na akong blog http://ilayailaya.wordpress.com)

  16. Direk, not sure if may Shake Rattle and Roll This year. Ang alam ko lang may All You Need Is Pag-Ibig. Hihihi


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: