Posted by: ilayaonline | October 28, 2007

Ilaya Goes To Oktoberfest 2007: Kelan nga ba UP Fair?

HINDI KO SINASADYANG mapadpad sa Closing Party ng Oktoberfest 2007 sa Open Parking ng Metrowalk nung Biyernes. Dapat mag-bi-bidyoke kami (nasa utak ko na ang playlist ko. Una na dyan ang “Halik” ng Aegis, Namamalat Version) pero naisip ko, mas masarap sigurong mamalat kung may kasabay na daan-daang tao habang kumakanta si Banda sa stage na may malikot na stage lights. Oo nga naman, walang ganun sa bidyokehan.

Sa halagang P100, may dalawang basong beer na agad. Na para sa tulad kong hindi naman lasengga, parang hindi rin naman ako nakamura. (Pero hindi na ako nagreklamo. Hija, Oktoberfest ito, hindi tiangge.)

Buti na lang may mga banda. (Oo nga naman hija. Oktoberfest ito, hindi prayer meeting.)

Sa naabutan ko (bandang 11:30 ng gabi), tumugtog ang bandang Paraluman na may babaeng bokalistang may magandang boses pero hindi yata kinaya ang “energy” ng lasenggong audience na mukhang Slapshock ang ipinunta (na wala naman sa band line-up); Callalily na Callalily pa rin; Urbandub na siyang pinaka-rock na yata sa naabutan namin; ang huling banda Sugarfree na kalahating kanta lang ang napakinggan ko bago ako umuwi; at ang bagong Rivermaya na may bagong batambatang bokalista, si Jayson.

Ang sarap pa rin kantahin ng Elesi, Ulan at Awit ng Kabataan kahit sino mang Rivermaya ang kumanta, kesyo si Bamboo o si Rico o si kinakabahan pang Jayson (na may pabugsu-bugsong pagkanta ni Mike at Japs). Ibig sabihin lang, mas mahaba pa rin ang buhay ng mga awit ng Rivermaya kaysa sa mismong banda. Mga ser, yan ang tinatawag na klasik.

Dahil ala-Hanapin N’yo Ako ang drama ng location ng Oktoberfest (sa likod pa ng Metrowalk parking), kaunti lang ang mga tao. At dahil hindi ganun ka-rakrakan ang tugtugan (paging Parokya, Sandwish, Imago at The Dawn), medyo patay-patay ang mga tao. (Umaayon lang siguro sa nalalapit na undas.) On second thought, hija, Oktoberfest ito. Baka lasing na sila.

UP Fair, wag masyado magpa-lasing sa Disyembre ha. Ikaw pa rin dapat ang pinaka-buhay na rakrakang concert para sa lahat.

Wag lang uli may mag-saksakan. Patay tayo dyan.#


Responses

  1. Lately ko lang nalaman na wala na pala si Rico sa Rivermaya. How sad. Di ko pa nakikita yang Jayson, pero sana makagawa pa rin sila ng magagandang rock anthems.

  2. batmabata yung Jayson. di pa niya keri ngayon, pero kailangan talaga ng rivermaya ng singer. di kaya nina mike, japs at mark maging bokalista e… nararamdaman kong magsosolo tong si Rico. Bilang lang tayo ng ilang buwan…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: