Posted by: ilayaonline | October 27, 2007

Mamatay na’ng lahat ng naniningit sa mundo…

…AT NAMATAY ang kalahati ng Pilipinas.

Pinaka-kinaiinisan ko ang mga naniningit sa pilahan sa MRT sa umaga. Dahil kahit anong ganda ng iginising mo, may kapangyarihan silang sirain ang buong araw mo kahit nakatanggap ka pa ng “magandang umaga” bago umalis ng bahay. Kahit may smiley pa.

Kanina, habang nakapila ako sa MRT para sa bag inspection, biglang may rumaragasang animo’y jeep na tao na sumingit sa akin. Nakakatawa kasi hindi naman mahaba ang pila. Excuse me po, lima lang kami ng pila. Ano ba naman ang konting segundong paghihintay? Bilang ako ay alagad ng fairness sa pilahan, hindi ko siya pinasingit kahit nagpaka-jeep na naman siya sa pag-gitgit sakin. Sorry ser, hindi ka senior citizen para pasingitin ko. (Correct me if I’m wrong.) 

At bilang alagad din siya ng fairness sa ibang paraan, nung ilulusot ko na ang MRT card ko sa entrance, aba, tinapakan niya ang tsinelas ko. Nang matagal. Sorry ser, matibay ang tsinelas ko, hindi yan mapipigtas. Nung naisip niyang mahuhuli na siya sa lakad niya, tsaka niya tinanggal ang pagkaka-apak sa tsinelas ko. At natawa na lang ako.

Kuya, pasensya ka na, hindi talaga ako nagpapasingit, lalo na sa umaga. At matibay talaga ang tsinelas ko.

Pag-diretso ko sa UP-Pantranco na hintayan ng jeep, mula sa malayo, may nakita akong lolong pilay na mabagal maglakad. Inaakay siya ng isang babae mula sa maliit na tulay hanggang makarating sa jeep na sinasakyan ko. Pag-upo sa jeep, nagpasalamat si Lolo sa Babae. Hindi pala niya kaano-ano. Tinulungan lang siya.

Masarap isipin, may mabubuting tao pa rin talaga sa mundo. (At nabubuhay sila kasama ng mga naniningit sa MRT na nananapak ng tsinelas na hindi napipigtas.) 

For that, mabuhay na’ng lahat ng mga naniningit na namatay kanina.

Maysa-pusa talaga ang mga Pinoy.#


Responses

  1. hay naku, kung ako yan sisigawan ko talaga yung guy. ipapahiya para di na umulit. kainez.

  2. may kabaitan pa rin akong taglay hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: