Posted by: ilayaonline | October 21, 2007

Ilaya goes to Baguio: Dito nagtatago si Peace of Mind (edited)

PITONG ORAS lang pala ang layo ng magulong Maynila mula sa peace of mind.

Sa Baguio, may mainstream na peace of mind: sa Burnham Park (habang madaming tao sa Session Road), sa Mines View Park (na kung hindi maaayos ay di malayong mawala na ang View (na Banaue Rice Terraces at ibabang Luzon) in the future. Mines Park na lang), sa kabayuhan, at sa SM Baguio (na parang Megamall lang, mas tipid nga lang sa air-con).

Yan ang tipong peace of mind na pinipilahan, pinagkakaguluhan at ma-tao. Kailangang nakabili na muna ng patience at camaraderie sa suking tindahan sa Maynila. (Tsk, balita ko pa naman e sold-out na sila.)

Buti na lang, may peace of mind sa Baguio na talagang payapa. Sa mga “sikretong” lugar sa Baguio, ang peace of mind ay nagkatawang-Rizal’s Tsokolate-e (P65) at Kamote Bread With Cream Fish Sauce sa Cafe by the Ruins sa Otek Road; nakakalulang ukay-ukay sa Bayanihan sa Session Road (sa wakas nakabili na ako ng pleated skirt, P120) na nagiging night flea market sa mismong kalsada sa gabi (at biglang napabili ako ng sapatos, P200); pag-piktyuran kay Oble sa UP Baguio (na napaka-liit at payapa kumpara sa Diliman); Margherita pizza at higanteng salmon salad sa Pizza Volante sa Session Road; vegetarian Oh My Gulay Cafe (ni ser Kidlat Tahimik) na may overlooking ng Baguio by Night (kahit sarado na ng alas-diyes ng gabi); at kwentuhang stress-free kahit hindi sugar-free at yosi-free sa Zolah Cafe (sa Session Road) hanggang madaling araw.

 Isang Baguio collage

Sa deluxe na Victory Liner bus, limang oras ang layo ng payapang Baguio mula sa stress at routine. (Walang stopover, kaya mas mabilis.) Buti na lang may pabaong peace of mind (at bagong perspektibo sa buhay) ang Baguio kasama ng Ube Jam galing Good Shepherd Convent. Sa pag-estimate ko, mukhang matagal pa ang expiration date nito. (Lagot, hindi pa naman ako magaling sa Math.)

At kung hindi man, pitong oras lang naman ang pagitan mula dito hanggang hanggang peace of mind. At kung nagmamadali, may deluxe bus naman.

(Pictures by marcromyjos.)


Responses

  1. Tonet, Oble sa UP Baguio – napakaliit? hehehehe Ang tataray ng mga pangalan ng restos sa Baguio ha. I haven’t been there. Mas maswerte kayo sa Manila at ilang oras lang. Kaming mga taga Visayas o Mindanao kailangan pa ng madugong preparation. Sana makarating din ako dun, for now, ang peace of mind ko is only five minutes away and weighs only 10mg hehehe

  2. yay! naguupload nakong pics before the routine sets in for the week. next time gusto ko na mag-stay sa PNKY.

  3. gusto ko mag-baguio. penge tips ng maayos na transpo😀

  4. sana nakipag-session ka narin for more peace of mind. hehe.

    new blog.

    -kepyas

  5. Jap: wahahahaha. siraulo!

    Marcromyjos: Ayowsh! Kaso naisip ko, ang mahal dun sa PNKY kumpara sa iba…

    Bambam: Victory Liner bus lang (better than bringing your own car), sa may Cubao. P350 for hindi deluxe (makakarating ka sa baguio in 6-7 hours). P600 yung deluxe (no stopovers. makakarating ka sa baguio in 4.5 hours).

    Kepi: Mas masarap ata mag-ganun sa Sagada para mas libre hehe. Next time, dun naman🙂

  6. waah, inngit ako! sana matuloy din ang baguio naman ngaung Pasko. hehe. para masaya.😀

  7. waw. thanks. tiyaka wala naman akong sariling kotse e. haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: