Posted by: ilayaonline | October 7, 2007

Shit happens?

TODAY, I woke up at 7 a.m.

Kung maaga o late man yan, ang sagot ko ay depende sa kung anong araw ako tinanong. Kung Lunes o Martes o Huwebes, late na late yan–3 am ako nagigising para hindi ma-late sa calltime ng Marimar. (Hindi naman ako artista para magpahintay ng service van sa may Quezon Avenue.) Kung Miyerkules o Biyernes, maagang-maaga yan–1pm ako nagigising kasi kauuwi ko pa lang ng bandang 10 am galing sa taping.

E Linggo ngayon.

Hindi ko namalayan, October na pala. Ang huling alaala ko, nasa isang bidyokehan ako kasama si direk (kakatapos pa lang ipalabas ang Paano Kita Iibigin nang isang linggo) at masayang-masayang kumakanta ng “I’m young and I’m underpaid / I’m broke but I’m happy beybeh” na parang wala nang bukas.

E meron pa pala.

Siguro nagka-amnesia ako nang hindi ko namamalayan. Nakalimutan ko kung gaano kasayang bumalik sa UP para manood ng mga pelikulang nagpapa-ibig nang di sinasadya. O kung gaano kasarap maghati uli sa isang Java Chip Frappuccino at mag-drowing ng mga comic strips sa likod ng resibo. O magbalik sa paborito kong Tropical Hut, o sa McDo Philcoa (at guluhin ang pagkaka-ayos ng mga upuan). O kung gaano kasarap ma-palakpakan sa mga bagay na pinaghirapan mo. O magsimula uli pangarapin ang mga dating pangarap. O manood ng America’s Next Top Model o ng re-run ng Friends nang di sinasadya. O lumagi lang sa bahay ng isang buong araw na maulan at malamig. O pakinggan ang unang version ng Telepono ng Sugarfree (na tulog-lata, pero astig na lata). O yung ngumiti lang nang walang dahilan.

Sabi nila, “shit happens”. Kung minamalas pa talaga, LBM.

Buti na lang hindi sira ang flush.

At sakaling sira man: I woke up at 7 am. I have the whole day to fix it. #


Responses

  1. nakikinig ako ng telepono nung dumalaw ako sa blog mo. So ESPN. You mentioned it!

  2. […] star-telegram.com: Top Photo Story wrote an interesting post today onHere’s a quick excerptO magsimula uli pangarapin ang mga dating pangarap…. […]

  3. tonet, may gamot naman diyan eh. ^_^

  4. bambam: woweeee. napakinggan mo yung unang version nila? yung may “ring ring” pa sa umpisa tas may iba sa tono ng bridge at chorus? asteeeeeg. sana mapakinggan mo.🙂

    kz: yup yup🙂 salamat!

  5. cocomment ako at sana walang magdedelete ha hehehe =P wala lang, im just glad im reading you again =)

  6. Jap: ayiiiii pasensya na talaga. Punta ka sa comments pag ng previous post ko, dun ako nagreply sayo🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: