Posted by: ilayaonline | September 2, 2007

“Solid ground” vs Kumunoy

SABI SA’KIN kanina ng thesis adviser ko nung college pagkatapos tanungin kung saan ako nagtatrabaho ngayon: “Looks like you’re in solid ground already.”

Hay, sana nga solid ang ground sa kung saan ako nagtatrabaho. Minsan kasi ay parang namamalikmata ako: mukhang nagiging malapot ang ground at nag-ma-maysa-kumunoy.

Tsk, pwede palang maging solid ground at kumunoy ang isang ground at the same time. Iba na talaga ang panahon ngayon. Kahit mga ground ay multi-tasking na.

Nung Grade 2 ako, dahil sa larong “Paunahan Makarating sa Kotse”, mabilis akong nanakbo papuntang van naming nakaparada sa harapan ng C.O.D sa Cubao. Ilang hakbang na lang ako mula sa kotse ng tagumpay nang pinadama sa’kin ni God ang real-life meaning ng “Ang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalim”: tsug, nahulog ako sa imburnal. (Hindi ako natinik, pero sigurado akong malalim.) Ang isang paa ko, nakalublob sa maburak at mabahong imburnal, habang ang kabila naman, naka-angkla sa sementadong daan. Sakaling dalawang paa ko ang naitapak ko sa imburnal, malamang ay last day ko na nun sa earth. At first day ko sa Hades, Burak Version.

Mula nun, nalaman ko: okay lang sigurong mahulog sa kung anong imburnal (o kumunoy) paminsan-minsan. Basta isang paa lang.

Dear God, salamat po at dalawa ang paa ko.#


Responses

  1. Off-topic: Salamat Lakay para sa comic strip kong header🙂 Ano tingin nyo?

  2. ilaya, wawa ka naman, girl. i hope you got home safe kahit na siguradong napapatakip ng ilong ang mga dinaanan mong mga tao hehehehe

    Off-topic comment: naka-relate ako sa header, it’s a great parody hehehe i always ask my friend kasi to make my header and i’m sure it goes for a lot of bloggers too =) hehehe

    O cya, ingat ka, and look before you fall ok saka next time magpicture ka naman para may remembrance hehehe just kidding =)

  3. hahahahaha nice heading =P

  4. and now you’re asking glenn to give you a head.

    Oh.

    Heading. Header. Ahahaha.

    I would love a head too. Header.

  5. wahaha. ang cute! sinadya bang mali ang continuity? haha.

  6. Jap: haha, nagpunta muna kami ng nanay ko sa CR ng C.O.D para maglinis. buti na lang hindi sosyal na mall ang C.O.D, kundi, di kami papapasukin nun. ako yung gumagawa ng mga heading (er, header) ko dati kaso pipitsugin hehe.

    Mace: hahaha!

    ES: tse.

    Ayn: natawa ako sa maling continuity. tinignan ko tuloy uli hehehe.

  7. hoi, kumunoy.

  8. yuuck! haha. ang profound kahit mabaho.😀

  9. ayan, fickle ka nga… haha.. pero fickle na funny! haha..

  10. off topic: ayan. may wordpress na rin akoww! avoncolors.wordpress.com Weeeeeeeeeeeee!!

  11. aba aba nagwordpress ka na rin. sige bisitahin ko sang beses. salamat sa pagbisita🙂

  12. mag update ka na.

  13. i-sa, dalawa, tat-lo, asan ang anino mo? =)

  14. sa weekend mag-uupdate na ko woohoo. walang panahooooooon.

  15. Sure ka ha? kung hinde kukurutin na talaga kita sa hita hihihihi


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: