Posted by: ilayaonline | August 23, 2007

APO, is that you?

GANYAN LANG kaliit sina Danny, Buboy at Jim mula sa Balcony Left ng PICC Plenary Hall. Sabagay, sa halagang 500 pesos (plus 5% tax), hindi ko naman talaga inasahan na life-size ang APO Hiking Society mula sa upuan namin (see image left). Thumbnail-size. Nung kinanta na nila ang Ewan (“Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola”), napatunayan kong size does not matter.

At na sa kahit anong teatro, hindi imposibleng may maupong malaki at malikot na ulo sa harapan mo para harangan ang iyong view (see image above again).

Ang suryal ng Mga Kwentong APO: 38 Years of Music and Friendship. Napanood ko lang dati sa Pinoy Box Office at RPN 9 ang mga concert nilang circa 80’s: mga orange at pink at blue na mga stage lights, mga dance steps (na hango yata sa line dance at LA walk), mga inter-galactic costumes nila, mga second voice at pag-back-up voclas nina ser Jim at Buboy, at mga simpleng birit ni ser Danny. Sa TV pa lang, parang totoo na ang koneksyon ng APO sa’kin, e paano pa kaya yung totoo na? Suryal.

Ang sarap sumabay sa pagkanta habang iniindak ang ulo at nakangiti:  “Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang natutong ikaw lang ang mahalin (Pag-ibig).” “Di raw nagdududa, naniniguro lang. Ewan ko ba, ngunit kahit ganyan siya, minamahal ko siya, sinasamba ko pa, wala nang hahanapin pa (Wala Nang Hahanapin Pa).” “Sige, sige, sige kayod sa ‘skwela at balang araw makikita n’yo. Pagkatapos ng iyong paghihirap, ‘di ka rin makakahanap ng trabaho (Blue Jeans).” “Ngunit kahit ano pang sabihin nila, iwanan siya’y di ko magagawa (Mahirap Talaga Magmahal ng Syota ng Iba).” “I love you, you know, although sometimes it just doen’t show (Show Me a Smile).” “Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya. Lapit na, o lapit pa (Kabilugan ng Buwan).” (Sayang nga lang hindi nila kinanta ang Paano at Tuyo Na’ng Damdamin.)

Ayan ang kwento ng APO–kwentong buhay, kwentong pag-ibig, kwentong pagkakaibigan–na sa totoo lang, ay kwento ko at kwento mo at  kwento ng kung sinu-sino. Sinulat lang nila para sa atin (na may kasamang sayaw at neon stage lights pa-minsan).

At oo, kahit yung ulong nasa harap ko, malamang may mga kwento rin siyang isinakanta ng APO.

Actually, sa likot ng pag-indak at paggalaw ng ulo niya, mukhang marami.#


Responses

  1. fan.

  2. tse.

  3. huwaaaaaaaaaaaaat. bakit hindi kinanta ang paano at tuyo nang damdamin!!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.

    isa pa nga. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh..

    bakit puro korus ang kinowt mo?

  4. syempre, si tonet pa. e korus lang naman parati alam nyan.

  5. waw… at last!😀

  6. oo nga. sa wakaaaaaaaas🙂

  7. yey! ansaya. inggit ako.

  8. gusto ko yung when i met you!

  9. bambam, kay tagal mong nawala!

    sabi nung apo sa concert, sino dito ang ngayon pa lang nakapanood ng APO nang live? nagtaas ako ng kamay. at ang iba pa.

    sabi ni danny, kayo ang tatawagin naming APO virgins, at ang susunod naming kanta ay para sa inyo.

    kinanta nila ang WHEN I MET YOU.
    🙂

  10. naks!

  11. O, ayan.. nabasa ko na rin ang entry mo about the concert =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: