At sinabi niya:
“May nagsabing,
sinomang walang kasalanan
ang siyang unang pumukol–”
At ikaw ay nanahimik.
Tinamaan yata kita.
(Postscript: Hindi ko maalala kung bakit ko ito naisulat. Baka galit ako nito sa isang tao. O sa isang pangyayari. Natuwa lang yata ako sa mga salita–bato-bato sa langit, ang tamaan, wag magalit. Basta, di ko na maalala. Gateway Foodcourt. Sa likod ng ATM resibo. 11/18.07)