BAKA MAGTAMPO sakin si Year 2007 at itsismis sa mga kapwa-Taon niyang hindi ako marunong lumingon sa pinanggalingan. Tsk, ka-bertdey ko pa naman si Year of the Rat. (Dapat manigurado; baka may mga Taon ding palang showbiz at mapagpaniwala sa tsismis.)
Year 2007, ikaw ang aking taon.
Ito ang taong napunta ako sa mundo ng pelikula via pagiging script con ni Direk Joyce Bernal sa Paano Kita Iibigin ng Star Cinema. Nakasalamuha si Piolo “Sir Piolo” Pascual, si Regine “Ms. Reg” Velasquez, si Eugene “Ms. Uge” Domingo, si Quintin Alianza, si Jett Pangan, si Ayrin, si Bb. Joyce Bernal. Napunta sa Zambales. Napa-San Mig Light habang nasa dalampasigan at nakatingala sa first star I see tonight. Natuto. Natutong tumayo para sa sarili. Mag-enjoy lang. Magkamali, mag-sorry, at ngumiti uli–dahil trabaho lang ito. Magpuyat sa Roadrunner. Mag-dub ng boses ng babaeng extrang kausap ni Regine. Maka-attend ng Premiere Night nang hindi naka-pang-Premiere Night. Makita ang pangalan sa CBB ng pelikula. Sa Cinema 10 ng Megamall. Masabi sa sariling: buti na lang ito ang pinili kong gawin (kesa…);
Ito ang taong muntik na akong maging regular employee sa isang photo company sa isang sossy na mall sa Ortigas. Tipong may time card, may work shifting, may dress code, may “Hi I’m Blah-Blah, Welcome!, Good morning, How may I help you?” na nakangiting dapat hindi halatang nangangawit. Bago pa man nakasagot ang customer, natauhan na ako. Sinuot uli ang tsinelas ko at ngumiting natural. Hindi nangawit;
Ito ang taong nagpunta ako ng Singapore (para sa Asian Film Symposium); sa Zambales (para sa trabahong pelikula at TV); sa Baguio (para uminom ng Tsokolate-E sa Cafe by the Ruins habang hinahanap ang sarili); sa Bohol (para mapa-Wow Philippines sa mala-polvoron na buhangin sa dagat, kasama si Tarsier); sa Cebu (para masabing ay, parang Maynila lang). Sa Capones Island sa Zambales, sa Casa San Pablo sa Laguna. Sa casino, sa Music21;
Ito ang taong umalis si Mace papuntang Canada. For good. At sa tuwing may maganda o may masakit na nangyayari sakin, lalo ko siyang namimiss;
Ito ang taong natupad ang isa sa mga wish ko kay first star I see tonight: maging guro ng Basic Video Production sa aking hayskul. Excited sa umpisa. Nag-research. Nakita ang potential sa mga estudyante. May mga bibo. At natural na magaling. At madaldal. At hindi nakikinig. At nagtetext habang nakatingin nang tuwid sayo. Naging favorite day of the week ang Wednesday. Nawala ang nakitang potential. Nawalan ng gana. Ng drive. Naging hatest day of the week ang Wednesday. Ayaw nang magturo. Gumawa ng short film ang klase. Horror. Gumawa ng fake blood. Na turo ko. Sila ang nag-direk. Nag-production design. Nagsulat ng script. Nag-edit. Ipinalabas sa Pere Chauvet Hall. Pinalakpakan. Nagtawanan. Naghiyawan. Proud. At gusto kong maging guro uli;
Ito ang taon para sa mga short films ko. Sa pagkilala sa Gawad CCP, sa International Women’s Film Festival, sa Asian Film Symposium sa Singapore, sa Bite the Mango sa UK, sa City of Women sa Slovenia. Sa Rogue Magazine. Ni ser Alexis Tioseco. Ng Mogwai Film Festival sa Cubao X. (Sayang, hindi ako nakapasok sa CinemaOne Originals at Berlinale. Haaaaaay. Then move on.);
Ito ang taong nag-bidyoke kami ni Direk Joyce at Ayrin sa Music21. Katatapos lang ng Paano Kita Iibigin. Walang trabaho. Walang sweldo. Wala. Sabay kanta ng “I’m young and I’m underpaid”. At ng Aegis. Na may piyok. After one week, may trabaho na uli kami. (Nag-amok ata si Aegis.);
Ito ang taong napadpad ako sa mundo ng TV. Hindi lang basta TV, kundi telenovela. At hindi lang basta telenovela, kundi Marimar. At hindi lang basta Marimar, kundi nakakapanibagong Marimar. Nagulat sa sistemang TV. 40++ sequences per day. 4am calltime. 6am pack-up kinabukasan. Sweldo na per taping day. (Kesa sa pelikulang “isang shooting day, isang tuka”.) Pulitika. Intriga. Mga artistang pa-artista. Beso-beso. Intriga uli. Intriga pa. (Muntik nang) ma-depress. Naiyak sa gabi. Sa banyo. Sa paninibago. Sa sarili. “Ako pa ba ito?” Walang sumagot. Actors in na daw. (Hindi pa sila bihis. Nagme-make up pa lang po.);
![]()
Ito ang taong napadpad ako sa mundo ng TV, at natutunang ngumiti na lang–dahil trabaho lang ito. Natutong mag-enjoy. I-enjoy ang taping day kahit puyat. Sa casino sa location. Sa speedboat. Sa Capones Island. Sa mga palayok ni Ugu Bigyan. Sa reggae party. Sa pag-bidyoke hanggang sabihing “last song na po”. Kanta uli. Hanggang sabihing “last song na po” na mas mataray na. Muntik nang malasing. Natutong maging bukas. Makakilala. Mag-ipon. Mag-waldas. At maghintay ng susunod na kinsenas. Makisalamuha. Makibagay. Matuto. Sa kwento nila. Sa kwentong patawa, sa kwentong reklamo, sa kwentong pag-ibig. Sa kwentong buhay. Oo nga–trabaho lang ito, pero buhay pa rin;
Ito ang taon ng mga first time, at ng second time na parang first time na rin. First time mapanood ang APO Hiking Society. Sa wakas. First time sa labas ng Pilipinas. Sa screening ng aking pelikula sa ibang bansa. At ma-appreciate doon. First time sa pelikula, sa TV, sa pagtuturo. Na maging assistant director sa ibang eksena. (“Actors standby! Tape rolling! 5…4…3…2… Kuyaaa, bakit ka dumaaaaaaaaan, mag-aaction naaaaaaaa?!? Relax.” Na maging camerawoman sa isang eksena (dahil tulog pa ang mga tunay). Na magsulat ng mga eksena. Ng mga linya ni Pulgoso, ni Sergio at Marimar;
Ito ang taong nagkaroon ng mga bagong kaibigan (na hindi lang basta beso-beso level), at nagpakilala muli sa dati nang muntik nang malimutan. Napangiti. Nasiyahan. Nasaktan. Naiyak. Nagalit. Naging bitter. Nakagawa ng mga tula. Ng mga eksena sa pelikula. Nairaos. Nagliwanag. Lumiwanag. At ngayon? Masaya. At natatawa. Natutuwa.
Ikaw ang aking taon, 2007.
P.S. I-tsismis mo sa bisor mo: Tumatanggap pa rin ako ng swerte kahit Year of the Rat.#
GUSTO KONG patunayan sa sarili ko na may buhay naman ako sa labas ng Marimar. Na kahit puyat at pagod ako bilang script continuity-cum-PA (production assistant) tuwing MTTh, kapag Sa at Su, isa akong normal na taong marunong pa rin mag-enjoy at kilala pa rin ang Paramita at Radioactive Sago Project. Kahit may eyebags man at may calltime na 4:30am kinabukasan.
(NAG-TEXT sa’kin si
HINDI NAKAKAPANOOD si Glenn ng Pinoy Big Brother kasi wala siyang TV sa kanyang boarding house.
KAKAPANOOD ko lang ng March of the Penguins ni Luc Jacquet. Isa itong documentary tungkol sa mating rituals ng mga penguin na nagsisismula sa isang mahabang prusisyon papuntang Antractican tundra tuwing Marso para humanap ng kanilang mate. Kaya ganun ang title.
Ser Gino Padilla, kelan ka ba maglalabas ng Greatest Hits Album? E si Hillary Duff nga, iilan pa lang ang kanta, naglabas na agad ng Greatest Hits niya. Mahiya naman siya sa’yo, ser.