Posted by: ilayaonline | December 1, 2007

Repost: Isang Glenn, Isang Penguen at Isang Jeep (ayan, sira tuloy ang rhyme)

(NAG-TEXT sa’kin si Chard nung isang araw. Binasa daw niya uli ang mga post ko sa ilaya.blogdrive.com, ang kauna-unahan kong blog (circa 2004). Nakaka-miss daw. Pag-uwi ko, binasa ko rin (nainggit). Nakaka-miss nga. Ang pagsusulat ko nang walang coherence dahil papalit-palit ako ng topic. Ang UP, ang pag-sakay ng UP-Pantranco (P8.75) at pagpara sa may tapat ni Oble, o ng UP-Ikot (P6.50) at pagpara sa tapat ng Vanguard sabay takbo sa Maskom kasi late na. Ang panonood ng mga pelikulang tutulugan ko ang kalahati pero gising sa last 30 minutes, at ang hindi na pagtulog dahil sa paggawa ng pelikula. Ang mga problemang sakit sa pagkakaibigan, sakit sa puso, sakit sa acads. Ay, parang ngayon lang din. Iba nga lang ang setting.

Ang hindi raw lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan. Gusto kong pumunta ng Sagada, Great Wall of China at Egypt. Eto ang pinanggalingan ko. Paki-text na lang ako kapag ready na ang sundo ko.)

MINSAN, may mga taong darating sa buhay natin, ngunit lilisan din naman agad kapag tapos na ang dahilan ng kanilang pagdating.

Kasasakay ko lang ng UP-Pantranco jeep sa hi-way. Tapos may sumakay na mag-asawa. (Dahil pareho silang naka-orange, itago na lang natin sila sa pangalang “Orange Team.”) Sa dulo sumakay. Sa likod ng drayber.

Abot ako ng bayad. “Bayad ho.”

Kinuha ng Orange Team at ibinigay sa drayber. “Bayad daw.”

Abot ng bayad ang katabi ko. “Bayad ho.”

Kinuha uli ng Orange team. Binigay sa drayber. “Eto sukli.”

Kinuha ng Orange Team. Binigay sa katabi ko.

At nag-abot na rin ng bayad sa Orange Team ang ibang mga nakasakay. Minsan, may sukli. Edi abot uli ang Orange Team.

Tapos naglabas na ng pera ang Orange Team. Sila naman. “Ma, bayad ho. Dalawang Census.”

Ay, ay, ay.

“Ay, UP ho ito. Sa kabilang jeep ho ang Census.”

Uulitin ko. Ay, ay, ay. At lumisan na ang Orange Team.

Paglisan ng Orange Team, isa lang ang naisip ko: Buti na lang nakapag-abot na ako ng bayad ko bago pa sila umalis.

Paalam Orange Team. Mami-miss ko kayo.                                                    

HINDI NAKAKAPANOOD si Glenn ng Pinoy Big Brother kasi wala siyang TV sa kanyang boarding house.

“Ay sayang, feeling ko may magugustuhan ka pa naman dun,” sabi ko. “Sexy. Malaki boobs. Malaki pwet.”

Walang reaksyon. Nakikinig lang.

“Si Cass. Nag-pose na daw yun for FHM eh.”

Ting! (Magic word: FHM.)

“SI CASSANDRA PONTI???”                                                            

                 “ATE, MERON po ba kayo nung March of the Penguins?”
                
                 “A oo, meron.” Kinalabit ang lalaking assistant. “Boy, pakikuha naman 
                  yung
 DVD nung may mga pating.”
                                                       
KAKAPANOOD ko lang ng March of the Penguins ni Luc Jacquet. Isa itong documentary tungkol sa mating rituals ng mga penguin na nagsisismula sa isang mahabang prusisyon papuntang Antractican tundra tuwing Marso para humanap ng kanilang mate. Kaya ganun ang title.

Iyan ang muli kong pagbili ng pirated DVD (imbes na manghiram). At sulit na sulit na sulit.

Sa totoo lang, isa siyang astig na love story na tungkol din sa family. Penguin nga lang ang bida. At si Morgan “God, is that You speaking?” Freeman ang narrator. (Sa puntong ito, tinamad na akong magkwento pa. Panoorin nyo na lang.)

Ang masasabi ko lang, may posibilidad na si Glenn ay isang lalaking penguin sa past life nya. (Yan, bumawi na ako a.) Manalig ka, compliment yan. Kinda.#
                                                           
Originally posted at ilaya.blogdrive.com at 20:34, Saturday, Sept 17 2005. Read full original post here.

About these ads

Responses

  1. iba na ako magsulat ngayon, ano? ayay.

  2. iba na.. ibang iba ka na nga.. (renz verano mode) haha di naman, ayus pa rin. mas nakakatawa ka nga lang dati. para kang baby na natuto nang maglakad. hehe.

  3. haha. iba na ang humor ko siguro ngayon. pero sana hindi naman yun bad thing. :)

  4. that’s what you call “maturing.” hehe.

  5. in fairness, at least sa pagsulat man lang, nagmature ako hehe. :) go thesis!

  6. waaaaaaaaaaah. reruns! me strike ka rin ba tulad ng mga writers sa amerika?

  7. hahahaha. may strike ang utak ko siguro. chos. misnakita bebaaaaaaaaaaang :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: